Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong)

7315992Title: Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kuwentong Barbero ni Bob Ong)

Genre: Humor, Non-Fiction

Author: Bob Ong

Illustrator: Klaro Karmeo de Asis

Number of Pages (Paperback): 201 pages

Language: Tagalog

Date Published: June of 2002 (first published, 2001)

Publisher: Visual Print Enterprises

Synopsis (via GoodReads): 

Ano ang lasa ng Toning Water? Bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Na-dagitab ka na ba? Saan makakabili ng aritificial fresh flowers? Sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima? Paano makipagkaibigan sa bangaw? Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kay Jesus ba talaga napupunta ang mga lumipad na lobo? Ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? Talaga bang “best buy” ang mga Pinay? Pagod ka na bang maging Pilipino? At bakit ka nga pala baliktad mabgasa ng libro?

Ngayong N K K B S K N T L G, eto na ang sequel…dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere, may New Testament ang Old Testament, at may Toy Story 2 ang Toy Story.

Rate: 5 of 5


Ang hirap palang maglitanya tungkol sa isang libro sa Filipino. Pero, Filipino ang salita ng librong ito, kaya magta-Tagalog ako or at least Tag-Lish. (Teka, bakit ko ba pinapaliwanag ang pagta-Tagalog ko?) Kaya eto ako, hirap na hirap maggawa ng review sa librong ito. Bwakanang magaling, ang hirap. Dapat siguro magbasa pa ako ng mas maraming Tagalog na libro, at magsulat sa Tagalog nang hindi ako ganito nahihirapan sa sariling wika ng aking lahi. Nakakahiya.

Paano nga ba ako magre-react sa isang libro na inilathala nang ako’y pitong taon pa lamang, ni walang kamuwang-muwang sa lahat ng isinulat dito ng may-akda? Natutuwa talaga ako sa mga libro ni Bob Ong. (Sino bang hindi natutuwa sa ABNKKBSNPLAKo?!? Hindi ako, hindi ang halos lahat ng kakilala kong nabasa na ito, hindi ‘yung pinsan ko na literal meron lahat ng libro ni Bob Ong. Kitams? Anyway…) Sa kalahatan, gustong-gusto ko talaga ang mga libro na politikal na may halong katatawanan. Seryoso, pero medyo hindi. Pilipinong Pilipino.

 

uozjnyyjusiky

Maginoo, pero medyo bastos, ika nga. Mwahahaha.

Alam mong totoo kapag galit ka na. Galit ako habang binabasa ko ito. Gusto kong itapon, gusto kong magwala. I hated how it spoke of truths in the Filipino culture. Nalungkot ako na pagkatapos ng ilang taon simula nang ilathala ito–labing-tatlong taon na–eh totoo pa rin ang ilan sa mga isyu na nandito. Eto ang dahilan kung bakit gusto kong nagbabasa ng mga ganitong libro, it makes me ache and look at the details of things. It makes me angry, it makes me hurt. It’s so good, it hurts. 

Nakakangalit na nakakaiyak. Ayaw kong basahin yung mga tingin sa atin ng mga banyaga, ang mga incidence na ang mga Pilipino ay itinatatwa ang kanilang sarili upang hindi ma-identify bilang isang Pilipino, sa halip ay sinasabi na sila ay Thai o kaya Malaysian. Nakakalungkot. Whatever happened to Filipino pride? (Pero take notes ha, merong pagkakaiba ang “pagmamalaki” sa “pagyayabang”, ha? Maging proud–pero hindi conceited. Please understand the fine line that separates those two.)

Sa lahat ng linya na talaga namang tinamaan ang pagka-Pilipino ko, dito ako talagang nagalit:

Talaga bang “best buy” ang mga Pinay?

Literal na ang sakit nitong marinig. “Best buy”? The hell, ano to? Best buy? Buy 1 Take 1? Promo? Discounted? BWISET. Ano to? awkjdbaskjfbadskfsbdakfslfmsdlgknsgkjaebfe.

Ang dami ko pang gustong sabihin tungkol dito. Madami pa akong rant. Pero just the fact na marami akong masasabi tungkol dito eh nagpapatunay lang na mabisa itong librong ito. Malay mo ito ang layunin nito–ang galitin ang Pilipino para magbago? Heck, the title is an echo of our culture. The packaging is a little preview in our thinking. Aba, oras na yatang magpakatotoo tayo sa ating sarili.

Alam ko sa bawat kultura merong mga bahid pero kapag naharap ka na sa isang libro na animo’y pina-ring bind ang lahat ng baluktot sa kultura mo medyo nakaka-insulto. What’s so bad about eating balut? What’s so bad about being pango? What’s so bad about being kayumanggi? What’s so bad about being short? What’s so bad about it all? What’s so bad about being Filipino? SO MANY THINGS TO CHANGE, I KNOW. And I’m sure a whole lifetime will not cover it all. We have our ways set, BUT, everything can be taken with baby steps. At least, that’s a start: wanting to change. Sobrang dami ko pang gustong sabihin, but I’m afraid I’m already being whiny about this.

Nakakangalit ngunit totoo. Medyo masakit. Para bang panggising. Applicable pa rin pagkatapos ng 13 taon. Relatively less naman. Merong mga isyu na nandito pa rin sa Pilipinas, pero sa tingin ko mas kumonti na. Kumbaga, medyo um-okay na ng very, very light ang ating bansa. We are growing steadily economic-wise, there are a mass of educated people, our literacy rate is at 97.5%! Everything is better in the long run scenario, I guess.

We don’t need affirmation and encouragement from any one, nor the other races. We are our own self.

Keber kung anong sabihin nila?

I want more of these, honestly. MORE. And also, I KNOW, this is not a review as it is a rant about the contents of the book. But this is a touchy subject and it just made me feel contempt, anger, shame, love, defense and appreciation for my people. Whilst also laughing through it all. It’s so true that it’s funny.

Do I recommend it? Ay ateng, please, please, please basahin mo na.

xt8tj9tsxkmlm

P.S. Pasensya na sa Tag-Lish, ha? MWAHAHA.

P.P.S. Walanjo, ang haba nito. Good luck kung may magbasa nito. Lol.


 

 

*Cover image and Synopsis via GoodReads; Gifs via Giphy.

Advertisements

One thought on “Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong)

  1. Pingback: 2016 Wrap-Up || The Book Weirdo – The Book Weirdo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s